MGA POLITICAL ASPIRANTS SA PANGASINAN, HINIKAYAT NA BOLUNTARYONG ALISIN ANG KANI-KANILANG CAMPAIGN POSTERS

Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan ang boluntaryong pagtatanggal ng mga aspirante ng kanilang mga campaign posters kasunod ng nakatakdang pag-uumpisa ng Oplan Baklas ng ahensya sa lalawigan.

Ito ay sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 11086, kung saan nakasaad dito ang pag-aalis ng lahat ng uri ng election propaganda tatlong araw bago ang pag-uumpisa ng campaign period.

Sa naging panayam kay COMELEC Pangasinan Elections Supervisor Atty. Eric Oganiza, ito ay upang maiwasan din ang posibleng pag-isyu sa kanila ng show cause order.

Muling ipinaalala ni Oganiza ang mga alituntunin ukol sa campaign posters at iba pang mga election-related materials na kinakailangang mag comply sa umiiral na election laws, rules and regulations maging ang Omnibus Election Code and Republic Act No. 9006 ang Fair Election Act.

Epektibo ang mga kautusan at batas sa lahat ng mga opisyal na kumakandidato kaya naman sinumang mapatunayang lumabag sa mga ito ay may karampatang parusa tulad ng pagkakakulong, maging ang perpetual disqualification sa mga public office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments