Mga political party na bibigyan ng access sa transparency server sa May 9 elections, tinukoy na ng COMELEC

92

Tinukoy ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga political party na bibigyan ng access sa transparency server para sa darating na May 2022 elections.

Ayon kay COMELEC Commissioner Marlon Casquejo, 10 political parties ang magkakaroon ng access kasama ang dominant majority at minority parties, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Kabilang sa mga partido na ito kasama ang pipiliing dominant majority at minority parties ang mga sumsusunod:


• Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban)
• National Unity Party (NUP)
• Aksyon Demokratiko
• Partido Federal ng Pilipinas (PFP)
• Nacionalista Party (NP)
• Liberal Party (LP)
• United Nationalist Alliance (UNA)
• Lakas–Christian Muslim Democrats (CMD)
• Nationalist People’s Coalition (NPC)
• Partido para sa Demokratikong Reporma
• Akbayan
• Laban ng Demokratikong Pilipino.

Sinabi rin ni Casquejo na 20 media outfit lamang sa 60 na nag-apply ang maaaring mabigyan ng access sa transparency server.

Facebook Comments