Mga posteng tatamaan ng road clearing operations nakatakdang tanggalin ng DPWH Pangasinan

Nais umano ng Department of Public Works and Highways o DPWH Pangasinan na matanggal na bago matapos ang taon ang mga posteng tatamaan ng isinasagawang road clearing operations.

Matagal na sana umano itong natapos at naisaayos ngunit napapatagal dahil sa paglilipat o pag-aalis ng mga posteng maaring tamaan.

Ayon sa DPWH 2nd Engineering District, marami umano ang nadidisgrasya dahil sa pagkakaalam nilang maluwag na ang daanan ngunit sa katunayan ay dahil ito sa mga puno at posteng nakatayo rito.


Dagdag pa ng DPWH na ginagawa nila ang lahat upang maisa-ayos ito at nakipag ugnayan na din sila sa mga electric cooperatives.

Saad naman ng Electric cooperatives hirap sila sa paglilipat dahil sa dami ng cable wires kung kayat kailangan pa nilang makipag-usap sa may-ari nito.

Samantala , umaasa naman ang DPWH na bago matapos itong taon ay nailipat na ang mga poste at puno .

Facebook Comments