Mga pribadong ospital, hiniling kay Pangulong Duterte na palitan si Health Sec. Francisco Duque III

57

Nanawagan ang Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na ng bagong Health Secretary na kayang maglingkod sa gitna ng paglaban sa COVID-19.

Ayon kay PHAPI President Rustico Jimenez, sawa na sila sa mga pangako ni Duque.


Dapat aniya magtalaga ang Pangulo ng kayang tugunan ang mga health concerns sa bansa.

Kailangang “fresh blood” at “fresh mind” ang mamumuno ng health department.

Sinabi pa ni Jimenez, “exhausted” o pagod na si Duque.

Ang PHAPI ay mayroong 744 member hospitals.

Facebook Comments