Mga probisyong pinaboran sa tax reform bill, tinukoy ng lidertao ng Senado

Manila, Philippines – Pabor si Senate President Koko Pimentel sa ilang probisyong nakapaloob sa isinusulong na tax reform bill ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Pimentel – sang-ayon siya sa reporma sa income tax bracket na aniya ay magbibigay kaluwagan sa mga taxpayers.

Gayundin ang pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga luxury goods.


Gayunman, sinabi ni Pimentel na kanilang babantayan ng husto ang isinusulong na excise tax sa langis partikular sa diesel.
DZXL558

Facebook Comments