Mga problemang kinakaharap ng bansa, resolbahin sa pamamagitan ng pagkakaisa – VP Robredo

Manila, Philippines – Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na ipagpatuloy ang paglaban kontra sa mga problema ng bansa sa pagpasok ng taong 2019.

Sa kaniyang New Years message, sinabi ni Robredo, dapat ipagpatuloy ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban sa kahirapan, karahasan, kawalan ng hustisya.

Pinaalala rin ni Robredo ang pagkakaroon ng pag-asa para maiangat ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino.


Aniya, sa taong 2018 nakita ng publiko ang kabayanihan, malasakit at walang takot na pagpapahayag ng katotohanan para sa kapwa.

Sabi pa ni Robredo, ang darating na bagong taon ay tyansa ng mga Pilipino para magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Facebook Comments