Mga provincial bus na biyaheng Batangas at Tagaytay, hindi dumating sa PITX; Dating ng mga pasahero, matumal din!

74

Taliwas sa inaasahan, kakaunting bus at mga pasahero lamang ang nagtungo sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa unang araw ng pagbabalik-operasyon ng provincial buses.

Sa 12 rutang binuksan para sa mga provincial bus, wala ni isang bus na biyaheng pa-Batangas at Tagaytay, Cavite ang dumating sa PITX.

Paliwanag ni PITX Corporate Affairs and Government Relations head Jason Salvador, maraming pasahero ang nagdadalawang-isip pang lumuwas dahil sa banta ng COVID-19.

Bukod dito, napakarami ring requirement ang kinakailangan bago sila payagang makabiyahe.

Ayon pa kay Salvador, posibleng pinapakiramdaman pa ng mga bus operator kung magluluwasan na ang mga pasahero dahil gusto rin nilang makasiguro na mama-maximize ang seating capacity ng mga ilalabas nilang bus.

Facebook Comments