Mga public servant, hindi dapat ‘balat-sibuyas’ kapag napupulaanan – VP Robredo

508

Hindi dapat nagiging ‘balat-sibuyas’ ang mga government officials kapag nababatikos o napupuna sila ng publiko.

Ito ang sinabi ni Vice President Leni Robredo matapos siyang banatan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isyu ng hashtag #NasaanAngPangulo

Iginiit ni Robredo na hindi niya alam kung sino ang nagpasimuno ng trending hashtag sa Twitter sa kasagsagan ng Bagyong Rolly at Bagyong Ulysses.


Dagdag pa ni Robredo, hindi dapat nagkakaroon ng dibisyon at dapat nagkakaisa.

Hindi rin nasaktan ang Bise Presidente sa mga matalim na salitang binitawan ng Pangulo dahil wala naman siyang ginagawa sa kanya.

Facebook Comments