Mga pulis hindi kasama sa exemption na hindi muna pag-susuot ng uniporme dahil sa kakapusan sa tubig

345

Hindi kasama ang mga pulis sa exemption na hindi na muna pagsusuot ng  uniporme dahil sa nanaranasang krisis sa tubig lalo na sa Metro Manila at Rizal.

 

Ito ay kasunod ng pagpapaubaya na ng pamunuan ng Civil Service Commission sa mga government agency head kung papayagan o hindi na muna magsuot ng uniporme ang kanilang mga personnel dahil sa nararanasang water shortage.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt Bernard Banac sanay ang mga pulis sa walang palitan ng damit at wisik-wisik lang dahil malimit naman aniyang nangyayari ito sa mga Police Operation.

 

Sa ngayon nakatutok aniya ang ilan sa mga  pulis sa Metro Manila sa mga distribution points ng tubig kung saan nagaganap ang pila balde.

 

Ito ay upang mapanatiling payapa sa kabila na pagiging mainit ng ulo ng ilan dahil sa kawalan pa rin ng supply tubig sa kanilang mga gripo simula pa nang nakalipas na linggo.

Facebook Comments