Mga pulis na nakikipagbakbakan sa Marawi City – personal na binisita ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, mga tauhan – pinalakas ang loob!

Manila, Philippines – Personal na binisita ngayon ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang mga pulis na nakikipagbakbakan sa Marawi City laban sa Maute group.

Sa pagharap sa kanyang mga tauhan sa provincial capital ng Lanao Del Sur sa Marawi City – sinabi ni Dela Rosa na sinuway niya ang payo ng PNP directorial staff para lamang makita ng personal ang kanilang lagay.

Kasabay ng pagpapalakas ng kanilang loob, pinaalalahanan din nito ang mga pulis na isapuso ang ginagawa para sa bansa at huwag matakot laban sa teroristang grupo.


Una nang sinabi ni Dela Rosa na gusto niyang samahan ang kanyang mga tauhan sa pakikipaglaban sa Maute, pero hindi maaari dahil maraming bagay na dapat ikonsidera.
DZXL558

Facebook Comments