Mga pulis na nasasangkot sa krimen, mas masahol pa sa kriminal ayon kay PNP Chief Cascolan

Dapat na ituring na mas masahol pa sa kriminal ang mga pulis na sangkot sa mga krimen.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan sa harap na rin ng sunod-sunod na pagkaka-aresto ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa mga pulis na nasasangkot sa iba’t ibang katiwalian.

Ayon kay PNP Chief, hindi dapat bigyan ng special treatment ang mga pulis na nasangkot sa krimen dahil sila mismo ang nagbibigay dungis sa kanilang organisasyon.


Paliwanag niya, kailangan nang disiplinadong mga pulis.

Dahil dito, mas paiigtingin anya nila ang kanilang internal cleansing campaign para lahat ng mga pulis na sangkot sa katiwalian ay maparusahan.

Inatasan naman ni Cascolan ang IMEG na paigtingin pa ang operasyon laban sa kanilang mga kabaro na sangkot sa mga iligal na aktibidad.

Facebook Comments