Mga pulis na sangkot sa illegal drug trade, mangilan-ngilan lang – ayon kay SP Sotto

29

Manila, Philippines – Nauuwaan ni Senate President Tito Sotto III ang resulta ng Social Weather Station o SWS na nagsasabing mayorya ng mga pilipino ay naniniwala na may mga pulis na sangkot sa illegal drug trade at mga insidente ng patayan.

Katwiran ni Sotto, kung walang pulis na sangkot sa illegal drugs at illegal gambling ay siguradong mareresolba agad ito.

Gayunpaman, binigyang diin ni Sotto na mangilan ngilan lang naman ang mga pulis na sumisira sa imahe ng Philippine National Police.

Tiwala si Sotto, na ang kasalukuyang liderato ng pambansang pulisya ay puspusan sa pagtugis sa mga tiwaling miyembro nito at ito ay dapat pang ipursige.

Facebook Comments