Mga pulis na sumabak sa higit isang linggong training para sa nalalapit na halalan, nagpakitang gilas

Ibinida ng mga pulis na kabilang sa National Headquarters Reactionary Standby Support Force ang kanilang mga natutunan mula isang linggong training.

Ang 244 na mga pulis ay ipakakalat sa nalalapit na 2025 midterm elections pagdating sa Civil Disturbance Management Operations at Medical Response.

Ang nasabing training ay nagsimula nitong April 22 at ngayong araw opisyal na nagtapos.

Partikular na ide-deploy ang mga ito sa BARMM at iba’t ibang lugar sa bansa.

Naging panauhing pandangal sa aktibidad si COMELEC Chairman George Erwin Garcia kung saan binilinan niya ang mga pulis na mahigpit na sundin ang human rights, rule of law at sugpuin ang paglaganap ng fake news.

Facebook Comments