Mga pulis ng Caloocan na sangkot sa pagpatay kina Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman, humarap sa preliminary investigation ng DOJ

Manila, Philippines – Humarap sa preliminary investigation ng Dept. of Justice ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa teen-agers na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.

Kaugnay ito ng kasong double murder,violation of firearms act, planting of evidence, violation of the drugs act at anti – torture act na isinampa laban sa kanila ng pamilya Arnaiz at de Guzman, gayundin ng Public Attorney’s Office.

Bukod sa mga akusadong sina Police Officer 1 Jeffrey Perez at Police Officer 1 Ricky Arquilita , dumalo rin sa pagdinig ang taxi driver na si Tomas Bagcal.


Sa October 19 itinakda ang paghahain ng counter affidavit ng mga akusado.

Facebook Comments