Mga pulis ng EPD, pinaalalahanan ng tamang bihis para sa SEA Games

25

Maagang nagsagawa ng Personnel Accounting ang Eastern Police District sa mga pulis nito.

Pinaalalahan ni Police Col. Lyndon Mencio, Chief District Directoral Staff, ang mga pulis ng EPD ng tamang bihis lalo na’t papalapit na ang SEA Games.


Sinabihan rin ni Mencio  na maging alerto ang mga pulis  lalo na kung mangailangan pa ng dagdag tao na magbabantay sa segurirad para sa event.

Paliwanag ng opisyal nasa 150 mga pulis ang dumating sa formation, hiwalay pa ito sa bilang ng mga pulis ng EPD na nasa send off ceremony sa NCRPO kahapon.

Nagbabala rin si Mencio sa mga pulis na huwag masangkot sa iligal na aktibidad nang sa gayon ay hindi mapahiya o madungisan ang kanilang hanay.

Facebook Comments

From Advertisers