Mga pumupuna sa mga babaeng hindi pa ikinakasal at nagkakaanak, pinalagan ni Alessandra De Rossi

71

Binuweltahan ng aktres na si Alessandra de Rossi ang mga kritiko ng mga babaeng hindi pa ikinakasal o hindi pa nagkakaanak.

Sa kaniyang Twitter account, iginiit ng aktres na iba-iba ang nais tahakin ng kababaihan sa kanilang buhay.


Hindi rin daw niya alam ang sagot sa beauty pageant na tanong tungkol sa kahalagahan ng isang babae.

Pagbibiro ni Alex, hindi rin niya alam ang kahalagahan ng kalalakihan.

Nilinaw naman ni Alex na wala siyang problema sa mga babae na masaya sa pagkakaroon ng asawa at anak ngunit may iba rin na nagbibigay sa kaniya ng kaligayahan.

Facebook Comments