Mga puno sa Nayong Pilipino, hindi puputulin kapalit ang COVID-19 vaccination site – Nograles

41
Photo Courtesy: Emilio Samson | Facebook

Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na walang punong puputulin sa harap ng planong pagtatayo ng temporary vaccination site sa Nayong Pilipino.

Ayon kay Nograles, walang madadamay na puno sa itatayong mega vaccination center.


Naghahanap aniya ng lugar kung saan pwedeng itayo ang vaccination site na walang maaapektuhang puno.

Bukod sa Nayong Pilipino, sinabi ni Nograles na naghahanap ang pamahalaan ng iba pang venue para sa vaccination centers, kabilang ang shopping malls.

Facebook Comments