Mga PUV driver sa lungsod ng Maynila, makatatanggap na rin ng booster shot

54

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na nakatakda na ring turukan ng booster shot ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan.

Gagawin ang pagbabakuna sa Bagong Ospital ng Maynila sa Mabini Street.

Bahagi ito ng ikinakasang booster shot drive-thru vaccination program ng lokal na pamahalaan ng Maynila para mas mabilis na mabakunahan ang lahat ng indibidwal mapa-residente man ng lungsod o hindi.


Target na mabakunahan ng booster shot ang mga jeepney driver, tricycle driver, sidecar boy, delivery van driver at taxi drivers.

Magsisimula ang pagbabakuna bukas, araw ng Lunes, January 17, 2022 ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon kung saan nasa 1,000 doses ng bakuna ang inilaan para dito.

Facebook Comments