Mga quarantine violator sa unang dalawang araw ng Alert level 3 sa NCR, mahigit 19,000

39

Tumaas pa ang bilang ng mga quarantine violator sa Metro Manila sa ikalawang araw pagpapatupad ng Alert Level 3 system.

Batay sa rekord ng Philippine National Police (PNP), umabot na sa 19, 014 ang mga quarantine violator ang kanilang naitala.

10, 807 o katumbas ng 57 percent ang nabigyan ng babala.


6, 750 o katumbas ng 36 percent ang napagmulta habang 1, 457 o 8 percent ang napatawan ng ibang parusa.

Kabilang sa mga paglabag ng mga naitala ang hindi pagsunod sa health protocol, curfew at mga non-Authorized Person Outside Residences o non-APOR na lumabas.

Facebook Comments