Mga RCEF seed recipients, nakamit ang mataas na produksyon at magandang kita sa unang bahagi ng 2020

41

Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na bumubuti na ang kabuhayan ng mga farmer recipients ng certified inbred seeds sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Ayon kay Secretary Dar, mas mataas na ang ani ng rice farmers sa unang semestre ngayong taon kung ikukumpara noong 2019.


Base sa resulta ng survey ng PhilRice, lumilitaw na 4.14 metric tons per hectare ang itinaas na kita ng kada 4,000 RCEF beneficiaries sa may 55 probinsiya.

Pinagtibay rin ito ng mga datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), na nagpapakita na sa first semester ng 2020, tumaas ang palay production ng 8.39 million MT mula sa 8.27 million MT na naitala sa parehong panahon noong 2019.

Ayon kay Dr. Jesusa Beltran, pinuno ng PhilRice Socio-Economics Division, ang naturang pagtaas sa produksyon ay nagbigay ng dagdag na kita sa rice farmers sa panahong hirap sa pera dahil sa COVID-19 pandemic.

Mula Marso hanggang Hulyo ng 2020, nakapagpamahagi na ang PhilRice ng mahigit dalawang milyong bags ng certified inbred seeds na naabot sa 750,000 farmers na nagsasaka sa may 855,000 hectares na lupang sakahan.




Facebook Comments