Mga Rebeldeng Grupo sa Nueva Vizcaya at Quirino, Nabuwag ng 5ID

269

Cauayan City, Isabela- Kinilala ni AFP Chief of Staff General Gapay ang 5th Infantry ‘STAR’ Division dahil sa matagumpay na pagkatalo ng Communists Terrorists Groups (CTGs) sa probinsya ng Quirino at Nueva Vizcaya.

Kasama ang iba pang AFP units sa bansa na ginawaran ng Battle Streamer Award ang 5ID sa isang programa noong ika-13 ng Enero ng kasalukuyang taon.


Ipinahayag ni General Gapay na gawing inspirasyon ang matagumpay na pagkatalo ng CTGs sa buong kapuluan upang tuluyang masugpo ang lokal na terorismo sa bansa.

Ang probinsya ng Quirino at Nueva Vizcaya ay sakop ng 86th Infantry ‘Highlander’ Battalion ng 5ID na kung saan ay kasalukuyan ang isinasagawang Community Support Program (CSP) sa ilang mga barangay na layong matulungan ang mamamayan na maipaabot at matugunan ng gobyerno ang kanilang mga hinaing o problema sa lugar.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagpapaalala ng kasundaluhan sa mamamayan upang hindi malinlang at mahikayat ng mga makakaliwang grupo.

Facebook Comments