Mga recovered vehicle ng PNP, prayoridad na i-account ng bagong PNP HPG Chief

Tiniyak ng bagong highway Patrol Group Acting Director na si Brig. Gen. Dionardo Carlos na tutukan niya ang pag-account ng mga recovered vehicle ng PNP HPG.

Ito ay upang hindi ito magamit ng mga pulis para sa kanilang mga sariling lakad.

Matatandaang isa sa utos ni PNP OIC Archie Gamboa matapos ang pagbaba sa pwesto ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ay ang mahigpit na pagbabawal sa mga pulis na gumamit ng mga recovered vehicles.


Ayon kay Carlos na bukod sa pag-account ng mga recovered vehicle mahigpit na bilin din daw ni PNP OIC Gamboa sa HPG ay mahigpit na ipatupad sa mga PNP personnel ang pagbabawal sa pagbyahe ng walang plate number o conduction sticker.

Isa pa aniya sa ipapatupad niya bilang bagong pinuno ng HPG ay magserbisyo nang nakangiti.

Si Brig. Gen. Carlos ay porma nang umupo ngayong araw bilang acting director ng PNP HPG kapalit ni Brig. Gen. Eliseo Cruz na itinalaga na bilang deputy for admin ng PNP CIDG.

Facebook Comments