
Paiimbestigahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y mahinang serbisyo at mahal na singil sa tubig ng PrimeWater Infrastructure Corp. sa Bulacan.
Kasunod ito ng mga panawagan at dumadaming reklamo ng mga consumer sa lugar kaugnay sa serbisyo ng Prime Water.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang puwang sa administrasyong Marcos sa mga kulang na serbisyo lalo’t pangunahing kailangan ng publiko ang malinis at sapatna suplay ng tubig.
Ang PrimeWater ay kumpanyang pag-aari ng pamilya ng tumatakbong senador na si Rep. Camille Villar, na nasa ilalim ng ticket ng administrasyon.
Bagama’t sinabi ni Castro na walang pagdududa at tiwala pa rin ang pangulo sa kakayahan ni Villar na na mamuno pero kailangang dapat umaksyon agad ang kumpanya para maresolba ang mga isyung inirereklamo ng mga apektadong customer.