Ipinagkaloob ang P1. 2 million halaga ng livelihood projects sa mga People’s Organization sa bayan ng Mangatarem.
Ang naturang halaga ay mula sa Department of Labor and Employment Region 1 na layuning matulungan ang mga residente na dating apektado ng insurhensya.
Ang mga naturang benepisyaryo ay mula sa mga Brgy. Bunagan, Lawak Langka at Calomboyan Sur sa Mangatarem.
Tinanggap ng mga benepisyaryo na pawang magsasaka at manggagawa ang Egg Laying Livelihood Project at Meat Processing Livelihood Projects.
Umaasa ang tanggapan na mapapalago ang proyekto upang maging maayos ang kabuhayan ng mga residente sa naturang komunidad at maging kaisa sa pagpapanatili ng kaayusan sa bayan kontra rebelyon o insurhensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments