Mga residente ng 10 EMBO barangays, ikinatuwa ang muling pagbubukas ng mga pasilidad na matagal nang hindi nagagamit ng publiko

Ikinatuwa ng mga residente ng 10 EMBO barangays matapos buksan muli ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga matagal nang hindi nagagamit na pasilidad tulad ng health centers, day care centers, at multi-purpose halls.

Kasunod ito ng Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ng Taguig Regional Trial Court noong Mayo 5, na nag-aatas sa lungsod ng Makati na itigil ang anumang panghihimasok sa mga pasilidad na legal nang nasasakupan ng Taguig.

Pinagtibay rin ng kautusang ito ang desisyon ng Korte Suprema noong 2022 na nagsasabi na ang Barangays Cembo, South Cembo, Comembo, East Rembo, West Rembo, Pembo (kasama ang Rizal), Pitogo, Post Proper Northside, at Post Proper Southside ay pormal na bahagi ng Taguig.

Muling nabuksan sa mga residente ang mga health center, covered court, parke, day care, at iba pang pampublikong pasilidad—na minsang isinara, dahilan upang mawalan ng access sa mahahalagang serbisyo ang mga taga-EMBO.

Facebook Comments