Mga residente ng Binondo at Sta. Cruz, natuwa sa ginawang pag-iikot ng Radyo Trabaho team

41

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Manilenyo sa Radyo Trabaho team na sumuyod sa ilang barangay sa Binondo at Santa Cruz Manila.

Namahagi ng flyers ang RT team na naglalaman ng mga impormasyon kung papaano magkakatrabaho, saan maaaring mag apply at ang tulong na ibinibigay ng DZXL RMN para sa mga interesadong maghanap ng trabaho dito sa bansa maging sa ibayong dagat.


Sinuyod ng RT team ang mga barangay 276, 285 at 294 ng Binondo at barangay 314 at 336 ng Santa Cruz.

Maliban sa pamamahagi ng flyers, nagdikit din ng stickers ang RT team sa mga tricycle at pedicab sa lungsod.

Positibo naman ang mga residente ng Binondo at Sta Cruz at nagpahayag ng interes na mag sumite ng kanilang resume.

Ang ilan sa kanila, ilang taon nang bakante at walang trabaho  at umaasa na sa pamamagitan ng RADYO TRABAHO ng DZXL RMN 558 ay magkakaron sila ng matagal nang inaasam-asam na trabaho.

Facebook Comments

From Advertisers