Mga residente ng Brgy. Concepcion Uno, Marikina City na hindi nabigyan ng ayuda ng DSWD, natugunan na ng alkalde ng Marikina City

Nagpaabot ng tulong si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa mga residente ng Barangay Concepcion Uno, Marikina City partikular na sa mga pamilya na nakatira sa Camia Street, Twinville Subdivision.

Ayon kay Mayor Teodoro, mayroong nakisuyo sa kanya na humihingi ng tulong ang mga senior citizen dahil wala umanong dumaan ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para bigyan ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program para sa mga senior citizen doon.

Paliwanag ng alkalde, agad na inatasan nito ang kanyang mga tauhan upang alalalayan at bigyan ng ayuda ang mga senior citizen na nakatira sa Camia St., Twinville Subd., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.


Laking pasasalamat ng mga senior citizen sa mga ayudang ibinigay ni Mayor Teodoro sa kanila dahil wala silang natatanggap na ayuda mula sa DSWD.

Facebook Comments