Mga residente ng Laguna, nagkasa ng kilos-protesta sa COMELEC

Nagkasa ng kilos-protesta ang ilang mga residente ng Laguna upang ipanawagan sa Commission on Elections (COMELEC) na umaksyon na hinggil sa lantaran bentahan ng boto sa lalawigan.

Ayon kay Atty. Ariel Radivan, isa sa mga naghain ng petisyon sa Comelec laban sa mag-asawang kumakandidato sa Laguna, panahon na para desisyunan ang inihain nilang reklamo para tuluyan silang madiskwalipika.

Bagama’t una nang naglabas ng show cause order ang COMELEC, hiling ng mga residente ang mas malalim na imbestigasyon upang matigil na ang bentahan ng boto.

Nabatid na idinaraan sa klase ng ayuda ang pamimili ng boto kung saan namamahagi ng P2,000 sa ilalim umano ng blue card.

Hinala rin nila na nagkaroon ng manipulasyon kung kaya’t bumaligtad ang apat na nauna nang nagreklamo ng vote buying.

Muling iginiit ng abogado na walang katotohanan ang sinabing hindi nila alam na pumirma sila sa sinumpaang salaysay para ireklamo ang mag-asawa.

Facebook Comments