Mga residente ng Marawi hindi pa rin pwedeng makabalik sa kanilang lugar ayon sa kanilang alkalde, Pagpapasalamat sa mga karatig lugar ipinapaabot

184

ILIGAN CITY- Nilinaw ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra na hindi pa pwedeng makabalik sa Marawi ang mga nagsipag-alisan sa kanilang lugar hanggang ngayon dahil sa nagpapatuloy na bakbakan ng mga militar at gropong teroristang Maute. Wala umanong katotohanan ang kumakalat na impormasyon na ligtas at pwede nang balikan ang Marawi City. Sa kabila nito, humingi ng paumanhin at dispensa si Mayor Gandamra sa mga Iliganon dahil sa pang-aabala ng iilang mga taga marawi kung saan nasa ibat-ibang evacuation center ngayon sa lungsod ng iligan. Sinabi ni Gandamra, na unawain din ang sitwasyon ngayon ng mga taga marawi sapagkat posibleng nasa trauma pa ang mga ito dahil sa kanilang pinagdadaanang sitwasyon. Nagpapasalamat rin si Gandamra sa mga karatig lugar kung saan nakatira ngayon ang mga taga marawi lalong lalo na sa iligan city sa pagtanggap nila sa mga ito isang buwan na ngayong araw.(GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)

Facebook Comments