Naitala ang UNHEALTHY at VERY UNHEALTHY na kalidad ng hangin simula kahapon, April 17 hanggang ngayong Sabado, April 18 sa ilang bahagi ng Quezon City.

Sa datos na inilabas ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang dito ang Tomas Morato Avenue, Commonwealth at Batasan Hills Barangay Hall, Tandang Sora, Balintawak, at marami pang iba.

Dahil dito, hinimok ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang mga residente ng lungsod na magsuot ng face mask, lalo na ang mga senior citizens, buntis, at may respiratory diseases gaya ng hika.

Samantala, patuloy namang mino-monitor ng lokal na pamahalaan ang Air Quality Index ng lungsod para masigurong updated ang lahat ng residente ng lungsod.

Facebook Comments