Mga residente sa 8 barangay sa Marawi City, makakabalik na ngayong araw – Task Force Marawi

Marawi City – Nagbigay na ng go signal ang Task Force Marawi para makabalik na ang mga residente sa walong barangay sa Marawi City.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Assistant Secretary Toby Purisima, tatlong barangay ang bubuksan para sa mga residenteng magsisibalikan ngayong araw.

Susundan ito ng tatlo pang barangay sa Linggo at dalawa naman sa Lunes.


Naglaan naman ng isang bilyong piso ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Sinuspinde naman muna ng DSWD ang mga kondisyon sa Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps sa Marawi tulad ng attendance sa mga eskwela ng mga estudyante.

Facebook Comments