
Hinimok ni Senator Grace Poe ang mga residente ng Murcia, Negros Occidental na tulungan ang lokal na pamahalaan at ang mga animal welfare groups sa pagtugis sa nasa likod ng pananakit sa asong si Tiktok.
Nag-viral sa social media ang asong si Tiktok na may mga tusok ng pana sa katawan at tinalian pa ng alambre sa leeg.
Kinokondena ni Poe ang aniya’y barbaric act o kalupitan sa isang inosenteng hayop na walang kalaban-laban.
Umapela si Poe na tumulong ang residente sa paghahanap sa salarin na nanakit kay Tiktok at matiyak na mapapanagot ito sa batas.
Sinabi ng mambabatas na ang nakakabahalang insidenteng ito ay maging hudyat na para maipasa ngayong 19th Congress ang revised Animal Welfare Act sa Senado upang mas mabigyan ng ngipin ang batas kung saan aatasan ang mga barangay na mas maging responsive sa mga kaso ng animal cruelty at neglect sa kanilang nasasakupan.