MGA RESIDENTE SA SAN NICOLAS, PINAYUHANG HUWAG MA-ALARMA SA GAGAWING PAGPAPATUNOG SA WARNING STATION

Nauna nang nagpaalala ang San Nicolas Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa mga residente ng bayan ukol sa inaasahang pagtunog ng malakas na alarma sa darating ng ika-20 ng Pebrero.

Magmumula ang naturang tunog sa warning station na matatagpuan sa San Nicolas Municipal Grounds o sa loob ng Poblacion Area. Bahagi ito ng preventive maintenance ng National Power Corporation – Dams Management Department upang mamonitor ang paggana ng naturang istasyon.

Layon nitong matiyak ang kahandaan ng San Roque sakaling magkaroon ng Dam discharge operation bilang paghahanda sa darating na panahon ng tag-ulan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Pinaalalahanan ang mga residente lalo na ang mga malalapit sa kinalalagyan ng warning station na huwag magpanic kung maririnig ang malakas na tunog mula rito.

Facebook Comments