Mga resources ng AFP at PNP mas pagaganahin kontra New Peoples Army

71

Kapwa pagaganahin ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang kanilang lahat ng resources para tugisin ang mga miyembro ng New Peoples Army.

 

Ito ay matapos na muling iutos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang all out war laban sa komunistang grupo.


 

Ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo idedeploy lahat ng militar ang kanilang resources para ituon ang atensyon sa mas maigting na operasyon kontra komunistang terorista.

 

Sa panig naman ng PNP sinabi ni PNP Spokesperson Police Brig Gen Bernard Banac na  hindi titigil ang mga pulis sa pagbibigay ng suporta sa militar para tugisin ang mga npa nang naayon sa umiiral na batas.

 

Parehong naniniwala ang pamunuan ng AFP at PNP na deserve ng mga Filipino ang pagkakaroon ng mapayapa at maayos na komunidad kaya hindi sila titigil hanggat hindi nagkakaroon ng kapayapaan lalo na sa mga lugar na maraming presensya ng NPA.

Facebook Comments

From Advertisers