Mga restaurant at fast food chain na lalabag sa ipatutupad na protocols sa ilalim ng GCQ, tiniyak ng DTI na hindi ipasasara

69

Nilinaw ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na hindi nila ipasasara nang tuluyan ang mga restaurant at fast food chain na hindi makakatupad sa health protocols at guidelines sa muling pagbabalik-operasyon sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Sa virtual hearing ng Trade and Industry Committee, sinabi ni Lopez na ang mga restaurant at fast food chain na hindi agad makakasunod sa protocols at lalabag sa guidelines ay ipasasara muna upang bigyan ng panahon na maitama at magawa ang mga dapat sa ilalim ng community quarantine.


Tiniyak ni Lopez na sa GCQ ay papayagan nang mag-operate muli ang mga restaurant at fast food chain ng 30% hanggang 50%.

Sa oras na maisapinal at maisumite na ang final protocols ay hindi na dadaan sa accreditation ang restaurants at fast food chains, at sa halip ay maaari na silang magbalik-negosyo agad at isasailalim na lamang ang mga ito sa post-audit operation.

Sa ganitong paraan aniya ay mapapadali ang pagbubukas ng mga negosyo.

Facebook Comments