Mga riders na lalabag sa bike at motorcycle lane sa Parañaque City, pagmumultahin na

28

Epektibo na ang paghuli sa mga pasaway na bike at motorcycle riders sa Parañaque City.

Partikular ang mga lalabag sa itinakdang lane para sa bike at motorcycle riders.

Mahigpit na ipatutupad ng Parañaque Traffic Enforcement Office ang nasabing sistema sa Sucat Road na magsisimula sa Sucat interchange hanggang sa SM Sucat sa Brgy. San Dionisio vice versa.

Huhuluhin din ang mga motoristang magpaparada ng sasakyan sa nasabing lane.

May itinalaga naman na loading at unloading zone, subalit para lamang ito sa drop-off ng mga pasahero at hindi pwedeng humimpil dito ng matagal.

Facebook Comments