Mga Sangkot sa Droga sa Cabagan, Isabela, ‘Di Palalampasin ng PNP!

*Cabagan, Isabela-* ‘Di umano palalampasin ng bagong hepe ng PNP Cabagan na si Police Chief Inspector Noel Magbitang ang lahat ng mga nasasangkot sa iligal na droga sa kanyang nasasakupan.

Aniya, Patuloy pa rin ang kanilang pagtutok sa kampanya kontra iligal na droga upang masugpo lahat ng mga tulak at gumagamit ng droga maging sa mamamayan na gumagawa ng hindi maganda na nagreresulta sa krimen.

Pinaalalahan naman ng hepe ang kanyang mga kababayan na huwag gumawa ng dika-nais nais upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bayan ng Cabagan, Isabela.


Samantala, nakalaya naman kahapon ang kanilang nahuling sisentay dos anyos na si Delmario Yalbas Mendez na may kasong Homicide matapos makapagpiyansa ng 40,000.00.

Siya ay dinakip kahapon sa isinilbing Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kasong Pagpatay.

Facebook Comments