Mga sasakyan naistranded kagabi sa Makilala North Cotabato

Ilang sasakyan ang naistranded kagabi sa inaayos na tulay sa sitio Patulangon barangay Malasila sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato dahil sa pag apaw ng tubig sa ilog dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Batay sa pahayag ni Municipal Disaster Risk Reduction chief Phil Jamero pinigilan nilang dumaan ang mga sasakyan tulad ng motorsiklo, multicab, van at ilan pang sasakyan.
Binantayan at nakamonitor kagabi ang MDRRMC sa sitwasyon.
May natumba ring punong kahoy ang nakabalandra malapit sa tulay ang pinutol.( Amer Sinsuat)

Facebook Comments