Mga sasakyang pandagat sa Bohol, pinag-iingat sa paglalayag matapos sumadsad ang isang barko

Naglabas ng Notice to Mariners ang Coast Guard Station Eastern Bohol matapos na sumadsad ang passenger-cargo vessel na MV Lite Ferry Five.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dahil sa insidente ay inaabisuhan muna ang lahat na mag-ingat at sumunod sa precautionary measures para maiwasan ang iba pang maritime incidents.

Sumadsad malapit sa Jagna Port sa Bohol ang barkong pag-aari ng Lite Shipping Corporation dahil sa low tide nitong Sabado de Gloria.

Biyaheng Cagayan de Oro sana ang barko na may sakay na mahigit 500 pasahero nang sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan.

Facebook Comments