Mga sementeryo at columbaria sa Davao City, sarado simula Oct 24 hanggang Nov. 7

42
Courtesy: City Government of Davao Facebook page

Simula ngayong araw, October 24 ay sarado na ang mga sementeryo at columbaria sa Davao City.

Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ang pansamantalang pagsasara sa mga sementeryo hanggang November 7 para maiwasan ang pagdagsa at pagkukumpol-kumpol ng mga tao sa Undas.

Gayunman, pwede sa nasabing petsa ang scheduled burials at interments gayundin ang pagbisita para gunitain ang death anniversary, 40th day at birthday ng yumaong kaanak.


Pero tanging immediate family members lamang ang papayagang makapasok sa mga sementeryo at columbaria.

Facebook Comments