Mga senador, kaisa ng pangulo sa hangad na free legal assistance para sa mga pulis at militar

46

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) ang pagpasa ng batas na magkakaloob ng libreng legal assistance sa mga opisyal at enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) at iba pang uniformed personnel na makakasuhan dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Sang-ayon si Senator Imee Marcos na marapat lang ipagtanggol at protektahan ang mga nagtatangol at nagbibigay proteksyon sa mamamayan.


Dahil dito ay sinabi ni Marcos na kanilang hahanapan ng paraan na mapagkalooban ng epektibong legal assistance ang mga pulis at sundalo ng hindi nalalabag ang equal protection clause.

Binanggit ni Marcos, na sa ngayon ay maaring makakuha ng free legal assistance ang mga miyembro ng AFP at PNP mula sa Public Attorney’s Office (PAO).

Sa tingin naman ni Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson, kaya ng sagutin ng headquarters ng AFP at PNP ang free legal assistance katulad ng pagbibigay nila ngayon ng tulong sa pagpapalibing at pagpapa-ospital.

Si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa naman agad tiniyak na bilang chairman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay maghahain siya ng panukalang tutugon sa nabanggit na hiling ng pangulo.



Facebook Comments