Mga senador, patuloy ang paalala sa mga deboto ng Itim na Nazareno na mag-ingat laban sa COVID-19

26

Ibayong pag-iingat laban sa COVID-19 ang paalala ni Senator Shewin Gatchalian sa mga deboto ng Itim na Nazareno na patuloy na dumadagsa ngayon sa Quiapo Church.

Umaasa si Gatchalian na mas pipiliin ng ibang deboto ang manatili sa kanilang tahanan para sa kaligtasan at magdasal sa halip na magpunta pa sa Quiapo.


Payo ni Gatchalian sa mga deboto, manatiling ligtas at laging isaalang-alang ang kapakanan ng mga mahal sa buhay sa panahon ng pandemya.

Hangad din ni Senator Grace Poe na maging mapayapa at ligtas ang pagdiriwang sa kapistahan ng Itim na Nazareno.

Hiling ni Poe, sa tahanan man o simbahan, ay ipanalangin natin sa Mahal na Poon ang ating bansa.

Nauna ng sinabi ni Senate President Tito Sotto III na kailangang mag-ingat ang mga deboto at sumunod sa health protocols para hindi mahawa ng COVID-19.




Facebook Comments