Mga senador, pinaalalahanan na iwasan munang magkomento tungkol sa impeachment case

Nagpaalala si Senate President Francis Escudero sa mga senador na iwasan muna ang pagbibigay komento na makaka-apekto sa kanilang pag-upo bilang hukom ng impeachment court.

Iginiit ni Escudero na hangga’t maaari ay iwasan ang pagbibigay ng pahayag o komento na makaka-apekto sa pag-upo bilang judges ng impeachment trial tulad ng pagiging pabor o hindi sa kasong kinahaharap ng bise presidente.

Payo ng mambabatas na maaari namang purihin si bise presidente kung gusto ng mga senador subalit kung patungkol sa impeachment case ay mas makabubuti na iwasan nalang muna.


Sa huli, sinabi ni Escudero na ang kanyang pahayag ay paalala lamang at wala siyang kapangyarihan na pigilan o busalan ang sinumang miyembro na tatayong hukom sa impeachment court ang nais na magsalita sa naturang isyu.

Sinabi ni Escudero na hindi sila magpapa-apekto sa mga reaksyon at kritisismo at ang tanging susundin nila ay ang itinalagang batas at rules at sa kung ano ang tingin nilang tama, patas at magbibigay ng mas mataas na kredibilidad sa proseso ng impeachment.

Facebook Comments