
Iginiit ni Senate President Chiz Escudero na hindi pwedeng pilitin ang mga senator-judges na mag-inhibit sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Kaugnay na rin ito sa apela ng ilang indibidwal at ang plano ng prosecution panel na maghain ng mosyon na humihiling na mag-inhibit ang mga senator-judges na nagpapakita na ng bias sa paglilitis.
Ayon kay Escudero, maaaring hilingin ang recuse o pag-inhibit ng isang senator-judge subalit desisyon pa rin ng mga senator-judges kung gagawin nila ito.
Hindi aniya pwedeng pagdesisyunan ng impeachment court at pagbotohan na tanggalin ang isang senator judge na sa tingin lamang ay impartial na sa kaso.
Dagdag ni Escudero, walang ganitong procedure o proseso sa impeachment court man o sa regular na korte.