Mga senior citizen, hinikayat na magpabakuna laban sa COVID-19

31

Nanawagan ang isang infectious disease expert sa mga senior citizen na magpabakuna para maprotektahan sila laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Technical Advisory Group member Dr. Edsel Salvana, mahalagang mabakunahan ang mga senior dahil sila ang mabilis kapitan ng sakit.


Bukod sa mga senior citizens, dapat ding magpabakuna ang mga may kapansanan at mayroong chronic illness.

Sa huling datos ng DOH, nasa 1,174,191 seniors na ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine habang nasa 195,952 ang fully vaccinated.

Facebook Comments