Mga senior citizen, inabisuhang magpakonsulta na agad sa kanilang mga doktor

45

Pinayuhan ni Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo Ordanes ang mga matatanda na magpakonsulta na ngayon sa kanilang mga doktor.

Ito ay kasunod na rin ng pagdating kahapon ng unang batch ng 600,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines at ang inaasahan pang pagdating sa bansa ng 525,600 doses ng AstraZeneca.


Karamihan aniya sa mga senior citizen ay mas pinipili ang Pfizer ngunit ang mga matatanda na immunocompromised ay handa namang magpabakuna ng AstraZeneca o Sinovac.

Facebook Comments