Mga Senior Citizen sa Marikina, sabik na sabik na sa laban ng Pambansang Kamao

Manila, Philippines – Sabik na sabik na ang mga Senior Citizen sa Lungsod ng Marikina na mapanood ang laban nina Pambansang Kamao Senador Manny Pacquiao at Adrien Broner ngayong araw kung saan paglalabanan nila ang WBA.

Naniniwala ang mga Senior Citizen na kayang pabagsakin ni Pacman si Broner dahil sa bagsik ng kanyang mga kamao at bilis ng kanyang mga suntok bagama’t mas bata sa kanya ang kanyang kalaban pero mas bentahe umano ang lawak ng karanasan ni Pacquiao sa boksing.

Bukod sa pandesal, libreng gatas din ang inihanda ng Marikina City Govt. sa mga manonood sa laban nina Pacquiao at Broner sa Sto. Nino Gym kung saan tuwang tuwa ang mga lolo at maging ang mga bata sa kapapanood na libre.


Ayon kay Oscar Magpayo 68 anyos. kayang kaya aniyang pabagsakin sa 8 round ni Pacman si Broner dahil sa lakas at bilis ng kanyang mga suntok kung saan lalo umanong bumibilis si Pacman habang nagkakaedad na kaya hindi hadlang ang edad para mapabagsak ni Senator Pacquiao si Broner.

Umaasa ang mga kababayan natin na sa iuuwi ng ating Pambansang Kamao ang korona sa pagbabalik niya sa Pilipinas.

Facebook Comments