Mga Senior Citizens at Drug Surederees , Nakatanggap ng Regalo

14

Nakatanggap ng maagang pamasko ang mga senior citizens na bayan ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao.
Itoy matapos pagkalooban ng cash gift mula mismo sa LGU. Sinasabing regular na rin itong ginagawa ng DAS LGU sa layuning matulungang matugunan ang mga pangangailan ng mga nakakatanda kabilang na ang gamot.
Bukod sa mga Senior Citizens, pinagkalooban din ng maagang pamasko ang mga dating drug surenderee. Ang Cash Assistance na iginawad sa mga drug surenderre ay bilang gatimpala na rin sa mga ito matapos sumailalim sa mga proseso para makapagbagong buhay.

Pinangunahan ang aktibidad ni DAS Mayor Bai Mariam Sangki, kasama ang mga opisayles ng sangguniang bayan , Admin Odjie Balayman , MSWDO at ang hepe ng kapulisan.

Di naman maitago ang kasayahan ng mga naging beneficiaries sa regalong ipinagkaloob sa kanila ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments