Mga sinehan, bukas na ulit simula November 10

Balik negosyo na ulit ang mga sinehan simula sa November 10.

Ito ang inanunsyo ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines matapos na payagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng mga sinehan kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 3.

Kabilang sa mga nag-anunsyo na ng pagbabalik operasyon ay ang Gateway CinePlex, Ali Mall Cinemas, Power Plant Mall, at Megaworld Cinemas.


Mahigpit namang ipapatupad ang health and safety protocols sa loob ng sinehan gaya ng pagsusuot ng face mask, one seat apart at bawal na kumain o uminom.

Facebook Comments