Mga Staff ng OVG at SP Maguindanao nakatanggap ng Bigas sa Ramadan

16

Lubos ang kasayahan ng mga kawani ng Office of the Vice Governor at Sangguniang Panlalawigan sa Maguindanao matapos pagkalooban ng tig isang sakong bigas kahapon kasabay ng pag-oobserba ng buwan ng Ramadan simula May 17, 2018.

Pinangunahan mismo ni Maguindanao Vice Governor Datu Lester Sinsuat ang rice distribution sa kanyang mga Staff at nga empleyado ng SP. Maliban sa mga ito binigyan rin ni VG Sinsuat ang ilang mga ustadz .

Matatandaang naging kaugalian na ni VG Sinsuat ang pamamahagi ng Bigas sa tuwis pag- oobserba ng buwan ng Ramadan kahit pa man nooy alkalde pa ito ng bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Maliban sa bigas, inilatag na rin ang kaliwat kanang mga religious activities sa bayan ng DOS ngayong buwan na inisyatiba ni VG Sinsuat kabilang na rito ang Quran Reading at pagbibigay ng Iftar.

Pic Courtesy: AV

Facebook Comments